Pumunta sa nilalaman

Pagbaha sa lunsod ng Hitoyoshi

HULYO 23, 2020
JAPAN

Timog na Bahagi ng Japan, Naapektuhan Nang Husto ng Malalakas na Ulan at Pagbaha

Timog na Bahagi ng Japan, Naapektuhan Nang Husto ng Malalakas na Ulan at Pagbaha

Sa simula ng Hulyo 2020, nagkaroon ng malalakas na ulan sa Japan, na nagdulot ng pagbaha at mga landslide sa Kyushu. Naapektuhan nang husto ang mga kapatid sa mga lunsod ng Minamata at Hitoyoshi sa Kumamoto Prefecture at sa lunsod ng Omuta sa Fukuoka Prefecture. Walang Saksi ni Jehova ang namatay, pero isang brother at isang sister ang nasugatan. Dahil din sa pagbaha, 48 bahay ng mga kapatid at 2 Kingdom Hall ang nasira. Dalawang Kingdom Hall naman ang nasira dahil sa mga landslide.

Ang Kyushu/Okinawa Disaster Relief Committee, na inatasan ng sangay sa Japan para sa relief work na may kaugnayan sa COVID-19, ay nag-oorganisa ngayon ng tulong para sa mga kapatid na naapektuhan ng baha. Inaasikaso ng mga kinatawan ng Local Design/Construction at ng mga tagapangasiwa ng sirkito sa rehiyon ang pagbibigay ng agarang tulong para sa mga kapatid.

Ipinapanalangin natin kay Jehova, ang Diyos “na nagbibigay ng lakas at tulong para makapagtiis,” na patuloy niyang alalayan ang ating mga kapatid na naapektuhan ng sakuna.​—Roma 15:5.