NOBYEMBRE 12, 2013
JAPAN
Bagyong Wipha Humampas sa Japan
Noong Oktubre 16, 2013, hinagupit ng Bagyong Wipha ang silangang baybayin ng Japan. Isa sa mga lugar na matinding nasalanta ay ang maliit na isla ng Oshima, na matatagpuan mga 120 kilometro sa timog ng Tokyo. Dahil sa malalakas na buhos ng ulan, na umabot nang mga 84 na sentimetro, umapaw ang mga ilog na naging sanhi ng mga mudslide, na ikinamatay ng di-bababa sa 35 katao. Kinumpirma ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Japan na walang isa mang Saksi sa kongregasyon ng Oshima ang namatay o nasugatan. Nasira ang bubong ng bahay ng isang pamilyang Saksi roon, pero ni-repair ito ng mga miyembro ng kanilang kongregasyon. Ang mga Saksing tagaroon ay naglaan din ng tulong at espirituwal na kaaliwan sa kanilang mga kapitbahay.
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Japan: Shiro Hayasaki, tel +81 46 233 0005