NOBYEMBRE 7, 2018
JAPAN
Tinulungan ng mga Saksi ang mga Biktima ng Baha sa Japan
Mahigit 47,000 sa ating mga kapatid ang nakatira sa gawing kanluran ng Japan, na binaha noong Hulyo 2018. Pagkatapos ng baha, sinimulan agad ng mga 4,900 boluntaryo ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga Kingdom Hall at ng mga bahay ng Saksi.
Sa pangangasiwa ng tatlong Disaster Relief Committee, siyam na Kingdom Hall ang nalinis at nakumpuni ng mga kapatid. May isa pang Kingdom Hall na kasalukuyang kinukumpuni. Gayundin, 184 na bahay ng mga Saksi ang naayos, at 11 bahay pa ang nakaiskedyul na kumpunihin sa taóng ito.
Sina Taro at Keiko Abe at ang kanilang tatlong anak ay kasama sa mga pamilya sa Ehime na nakatanggap ng tulong. Tatlong araw lang matapos bahain ang bahay ng pamilya, dumating ang mga kapatid mula sa sirkito nila at kinumpuni ang bahay nila, kasama na ang pagpapalit sa nasira nilang sahig. Bukod diyan, nagbigay ang mga Saksi roon ng mga bagong kama at mesa para sa mga bata.
Nagkataong nasa Japan noon si Brother Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, para sa isang atas. Kaya noong Setyembre 20, 2018, nagbigay siya ng nakapagpapatibay na pahayag sa isang Kingdom Hall sa Okayama, na naka-tie in sa iba’t ibang lugar sa Japan. Lahat-lahat, 36,691 kapatid, kabilang na ang ilang biktima ng bagyo at lindol na nangyari din noong panahong iyon sa Japan, ang nakinig habang ipinapaliwanag ni Brother Jackson kung paano tinutulungan ni Jehova ang Kaniyang bayan sa lahat ng pinagdaraanan nila. Personal ding kinausap ni Brother Jackson ang ilang biktima at pinatibay ang mga ito.
Nagpapasalamat tayong lahat, kasama na ang mga kapatid sa Japan, dahil bahagi tayo ng organisasyon ni Jehova, na nagmamahalan at nagmamalasakit sa isa’t isa bilang pagtulad sa ating Ama sa langit.—2 Corinto 1:3, 4.