Pumunta sa nilalaman

ABRIL 24, 2017
JAPAN

Kinumpuni ng mga Boluntaryong Saksi ang Mahigit 300 Bahay Pagkatapos ng mga Lindol sa Japan

Kinumpuni ng mga Boluntaryong Saksi ang Mahigit 300 Bahay Pagkatapos ng mga Lindol sa Japan

Kinukumpuni ng mga Saksi ang nasirang kisame ng isang bahay sa Koshi.

EBINA, Japan—Noong Abril 14 at 16, 2016, natapos ng mga Saksi ni Jehova sa Japan ang pagkukumpuni sa 348 bahay ng kanilang mga kapuwa Saksi, na nasira ng mga lindol na yumanig sa Kumamoto, Japan. Mga 15,000 ang nagboluntaryo sa construction relief work mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2017.

Bagaman walang namatay na Saksi sa mga lindol, mga 119 na Saksi ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan. Pinatuloy muna sila sa 15 Kingdom Hall, mga lugar ng pagsamba ng mga Saksi ni Jehova, habang nililinis ng mga boluntaryo ang bahay ng mga biktima.

Inilalagay ng anim na construction worker ang bagong bubong sa nasirang bahay sa bayan ng Chimachi.

Simula noong Hulyo 25, 2016, kinumpuni ng mga construction worker na Saksi ang mga bitak sa istraktura, sahig, dingding sa loob, bubong, at mga tubo ng tubig sa mga bahay na nasira ng lindol. Pinalitan din nila ang mga pinto, bintana, at mga air-conditioning unit.

Kinukumpuni ng mga relief worker ang nasirang bahay sa bayan ng Mashiki.

Si Mr. Minoru Kono, dating opisyal ng Japan’s Self-Defense Forces na nagmamasid sa relief construction work ng mga Saksi, ay nagsabi: “Sa trabaho ko, napakahalaga ng pagkaapurahan para magligtas ng buhay. Gayunding pagkaapurahan ang ipinakita ng mga Saksi ni Jehova pagkatapos ng lindol sa Kumamoto—sumugod agad sila sa apektadong lugar para tulungan ang mga biktima. At nang simulan ng mga Saksi ang kanilang relief construction work, nagulat akong makita na hindi mga bagito, kundi mga bihasang manggagawa mula sa iba’t ibang lugar ng Japan ang tumulong sa gawain. Masisipag at puspusang magtrabaho ang mga boluntaryong Saksi.”

Inaalis ng mga boluntaryo sa konstruksiyon sa Kikuchi ang nasirang bubong na tisa at pinapalitan ito ng bago.

Dinadala ng isang Saksi ang semento, na gagamitin para patibayin ang napinsalang pundasyon ng isang nasirang bahay sa Uki.

Sinabi ni Ichiki Matsunaga, tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa Japan: “Sa nakalipas na ilang buwan, nakaka-recover na kami at muling nagtatayo kasama ng libo-libong biktima ng lindol sa Kumamoto. Ang praktikal na tulong na inilaan ng aming mga kapuwa Saksi pagkatapos ng sakunang ito ay malaking kaaliwan at pampatibay sa amin.”

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Japan: Ichiki Matsunaga, +81-46-233-0005