Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 28, 2018
JAPAN

Lumindol sa Hokkaido, Japan

Lumindol sa Hokkaido, Japan

Isang lindol na may magnitude na 6.7 ang puminsala sa Hokkaido, isang isla sa hilagang Japan, noong Setyembre 6, 2018. Ang lindol ay pumatay ng 41 katao at nagdulot ng malawakang brownout, kaya naapektuhan ang mga sasakyang pampubliko at komunikasyon sa isla.

Iniulat ng tanggapang pansangay ng Japan na wala namang namatay sa mga kapatid pero pito ang nasaktan. Lahat-lahat, 100 bahay ng mga Saksi at 4 na Kingdom Hall ang nasira.

Pagkatapos ng lindol, sa pangangasiwa ng tanggapang pansangay, ang mga mamamahayag ay agad nagsuplay ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan ng mga biktima. Inorganisa ang isang Disaster Relief Committee para patuloy na mailaan ang tulong.

Hinihiling natin kay Jehova na patuloy sana niyang bigyan ng kapayapaan ng isip at puso ang mga kapatid nating biktima ng lindol.—Filipos 4:6, 7.