Pumunta sa nilalaman

HULYO 12, 2018
JAPAN

Pagbaha sa Gawing Kanluran ng Japan

Pagbaha sa Gawing Kanluran ng Japan

Hindi kukulangin sa 169 katao ang namatay sa gawing kanluran ng Japan, at mahigit 255,000 bahay ang wala pa ring tubig matapos ang malalakas na ulan na nagdulot ng baha at landslide.

Walang Saksi ni Jehova ang namatay, pero 200 ang inilikas at isang sister ang nasugatan. Nagpapagaling na ngayon ang sister sa ospital. Di-kukulangin sa 103 bahay ng ating mga kapatid ang napinsala, at isa ang nawasak. Mayroon ding 11 Kingdom Hall at isang Assembly Hall ang napinsala dahil sa baha.

Apat na Disaster Relief Committee (DRC) ang binuo para patibayin ang mga kapatid na naapektuhan, at maglaan ng praktikal na tulong, kasama na ang pagkain, damit, at malinis na tubig. Ang mga DRC ay mag-oorganisa rin ng paglilinis, pagdi-disinfect, at pagkukumpuni ng nasirang bahay ng mga kapatid.

Ipanalangin natin ang ating mga kapatid na naapektuhan ng kalamidad sa Japan habang inaasam natin ang panahon kapag gagamitin na ni Jesus ang kapangyarihan niya para alisin ang lahat ng kalamidad magpakailanman.—Mateo 8:26, 27.

 

Magpatuloy