Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 9, 2017
KAZAKHSTAN

Korte sa Kazakhstan, Nagdesisyong Panatilihing Nakakulong ang Isang Saksi Bago Siya Litisin

Korte sa Kazakhstan, Nagdesisyong Panatilihing Nakakulong ang Isang Saksi Bago Siya Litisin

Noong Enero 30, 2017, ibinasura ng Astana City Court ang apelang palayain si Teymur Akhmedov bago siya litisin. Inaresto siya noong Enero 18 dahil sa pakikipag-usap sa isang grupo ng mga lalaki na nagkunwaring interesado sa mga paniniwala ng mga Saksi ni Jehova. Inakusahan si Teymur ng “pagsusulsol ng di-pagkakasundo sa relihiyon” at “pagtataguyod ng kahigitan” ng kaniyang relihiyon. Walang binanggit ang korte na ebidensiyang nagpapatunay na kailangang ikulong si Teymur.

Ang desisyon ay ipinatutupad na at hindi na puwedeng iapela. Si Teymur ay mananatiling nakakulong hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa kaso niya. Kung maaakusahan siya at mapapatunayang nagkasala, maaari siyang mabilanggo nang mula 5 hanggang 10 taon.