HULYO 4, 2017
KAZAKHSTAN
Sinuspende ng Gobyerno ng Kazakhstan ang Gawain ng Sangay ng mga Saksi ni Jehova
Noong Hunyo 29, 2017, inutusan ng isang korte sa Kazakhstan ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Almaty, Kazakhstan, na suspendihin ang gawain nito sa loob ng tatlong buwan at pinagmulta sila ng humigit-kumulang 680,000 KZT ($2,107).
Ang desisyon ng korte ay naimpluwensiyahan pagkatapos magsagawa ng raid ang mga awtoridad sa property ng sangay, noong Mayo 17, 2017, na lumikha ng panoorin sa publiko at kinasangkutan ng mga 40 nananakot na opisyal na may mga sandata, na ang ilan ay nakamaskara. Plano ng mga Saksi na magsampa ng reklamo laban sa isinagawang raid.
Noong Hunyo 5, 2017, ininspeksiyon ng mga pulis ang property ng sangay at sinabing nakita ng mga awtoridad ang mga paglabag sa ilang protocol. Tinutulan ng mga Saksi ang mga natuklasan sa inspeksiyon, na isinagawa sa paraang labag sa legal na pamamaraan.
Ang mga pangyayari kamakailan sa Kazakhstan ay nagpapaalaala sa pananakot ng mga pulis at relihiyosong diskriminasyon na nakakaharap ng mga Saksi ni Jehova sa Russia, kung saan ipinagbawal ng gobyerno ang gawain ng mga Saksi ni Jehova. Iaapela ng mga Saksi ang desisyon noong Hunyo 29, at dapat itong isampa sa Hulyo 14, 2017.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Kazakhstan: Bekzat Smagulov, +7-747-671-45-01