Pumunta sa nilalaman

JANUARY 26, 2017
KAZAKHSTAN

Isang Saksi ang Inumangan ng mga Awtoridad sa Kazakhstan at Ikinulong Salig sa Imbentong Paratang

Isang Saksi ang Inumangan ng mga Awtoridad sa Kazakhstan at Ikinulong Salig sa Imbentong Paratang

Noong Enero 18, 2017, inaresto at ibinilanggo ng National Security Committee ng Kazakhstan si Teymur Akhmedov dahil sa pakikipag-usap sa iba tungkol sa kaniyang relihiyosong paniniwala. Noong Mayo at Hunyo 2016, pitong lalaki ang nag-anyaya kay Teymur sa isang apartment dahil interesado raw silang malaman ang paniniwala ng mga Saksi ni Jehova. Nagkita rin sila sa tahanan ni Teymur bago matapos ang taon. Lingid sa kaalaman ni Teymur, palihim na ibini-video ng pitong “estudyante ng Bibliya” ang mga pag-uusap nila.

Salig sa mapayapang mga pag-uusap na iyon tungkol sa relihiyon, si Teymur ay inakusahan ng ‘pagsusulsol ng di-pagkakasundo . . . sa relihiyon’ at “pagtataguyod ng kahigitan” ng kaniyang relihiyon. Nakakulong siya ngayon nang 60 araw bago siya litisin at maaari siyang masentensiyahan ng 5 hanggang 10 taon sa bilangguan kung mapapatunayang nagkasala.

Si Teymur ay 60 anyos, may asawa, at may malubhang sakit. Inaasahan ng mga abogado niya na maidaraos sa linggo ng Enero 23, 2017 ang hearing sa apela niyang mapalaya bago siya litisin.