Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 4, 2019
KENYA

Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Kenya ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Wikang Luo

Inilabas ng mga Saksi ni Jehova sa Kenya ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Wikang Luo

Noong Agosto 30, 2019, sa isang panrehiyong kombensiyon sa Kisumu, Kenya, inilabas ng mga Saksi ni Jehova ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Luo. Si Brother Remy Pringle, miyembro ng Komite ng Sangay sa Kenya, ang nag-release ng Bibliya sa unang araw ng kombensiyon. Sa kabuoan, 2,481 ang dumalo kabilang na ang mga naka-tie in mula sa ibang lugar.

Umabot ng mga tatlong taon ang pagsasalin. Sinabi ng isang tagapagsalin: “Talagang makikinabang ang mga kapatid na nananabik nang magkaroon ng kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Luo. Mahal ang kopya ng kumpletong Bibliya, kaya kadalasan na, walang Bibliya ang bawat miyembro ng pamilya sa mga kongregasyon. Talagang pagpapala ito kasi magkakaroon na ng Bibliya ang lahat. Makabago rin ang ginamit na mga salita kaya mas magiging nakakapagpatibay na ang personal na pag-aaral at family worship.”

Ang buo o ilang bahagi ng Bagong Sanlibutang Salin ay naisalin na sa 184 na wika, kasama na ang 25 kumpletong rebisyon na batay sa 2013 edisyon. Ang mga 1,800 mamamahayag na nagsasalita ng Luo sa Kenya ay siguradong matutulungan ng Bibliyang ito na maging mas malapít kay Jehova. Matutulungan din sila nitong maging mas epektibo sa pangangaral sa mahigit 5 milyong nagsasalita ng Luo.​—Mateo 24:14.