Pumunta sa nilalaman

(Sa kaliwa) Ginanap ang programa sa pag-aalay sa isang nirentahang pasilidad. (Sa kanan) Ang dalawang gusali sa bagong school facility

NOBYEMBRE 19, 2019
KENYA

Isang Bible School Facility ang Inialay sa Kenya

Isang Bible School Facility ang Inialay sa Kenya

Isang Bible school facility ang inialay sa Eldoret, Kenya, noong Nobyembre 9, 2019. Si Brother Bengt Olsson, miyembro ng Komite ng Sangay sa Kenya, ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay. Ang bilang ng dumalo ay 1,199, kasama na ang mga 500 nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na galing pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang 433-metro-kuwadradong pasilidad ay gagamitin para sa mga klase ng School for Kingdom Evangelizers (SKE) at School for Circuit Overseers and Their Wives. Mga apat na klase ng SKE ang inaasahang gagamit nito taon-taon.

Ang mga gusali sa pasilidad ay dating ginagamit ng sangay. Isang dating missionary home ang ni-renovate para magamit na laundry, kitchen, at dining area ng school. Isang Kingdom Hall ang ginawang classroom. Ang pagre-renovate ay sinimulan noong Abril 1, 2019, at halos patapos na ito noong Setyembre 9.

Sinabi ni Brother Olsson kung gaano kahalaga ang school: “Marami sa East Africa ang gustong matuto tungkol sa Diyos na Jehova. Sigurado kaming ang pagsasanay na matatanggap ng mga estudyante sa school ay makakatulong sa kanila na turuan ang mga taong dadagsa sa bundok ni Jehova.”—Mikas 4:1.