Pumunta sa nilalaman

ENERO 1, 2019
KYRGYZSTAN

Magandang Pagbabago sa Legal na Usapin sa Osh, Kyrgyzstan

Magandang Pagbabago sa Legal na Usapin sa Osh, Kyrgyzstan

Noong Nobyembre 30, 2018, inirehistro ng Kyrgyzstan Ministry of Justice ang isang opisina para sa mga Saksi ni Jehova sa lunsod ng Osh, ang ikalawang pinakamalaking lunsod sa Kyrgyzstan.

Legal na nakarehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Kyrgyzstan mula noong 1998, pero matapos ipatupad ang bagong batas noong 2008, laging hindi tinatanggap ng mga awtoridad ang pagpaparehistro ng mga kapatid natin sa mga lunsod sa timog ng bansa, ang lugar kung nasaan ang Osh. Bilang resulta, itinuturing ng mga awtoridad ng lunsod na ilegal ang pangangaral at pagpupulong ng mga Saksi. May mga pagkakataong ni-raid ng mga pulis ang mga bahay o nirentahang lugar na pinagpupulungan ng mga kapatid natin.

Masaya tayo sa positibong pagbabagong ito dahil makakatulong ito para mas malayang makapagpulong ang mga Saksi sa Kyrgyzstan at masabi nila sa iba ang mensahe ng Bibliya.—1 Timoteo 2:1-4.