Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 14, 2020
LEBANON

Malakas na Pagsabog sa Beirut, Lebanon

Malakas na Pagsabog sa Beirut, Lebanon

Noong Agosto 4, 2020, nawasak ang isang piyer sa Beirut, ang kabisera ng Lebanon, dahil sa isang malakas na pagsabog. Marami ang namatay at libo-libo ang sugatán, at malaking pinsala rin ang idinulot nito. Nasira ang ilang bahay ng mga kapatid. Nakakalungkot, may mga kapatid din na lubhang nasugatan, pero wala namang namatay.

Nagtitiwala tayo na tutulungan ng ating bukas-palad na Diyos ang mga kapatid natin na nangangailangan.—2 Samuel 22:3.