Pumunta sa nilalaman

Si Brother Stanislav Teliatnikov mula sa Lithuania

HUNYO 15, 2022
LITHUANIA

Nagpasiya ang European Court of Human Rights na Pinagkaitan ng Lithuania si Brother Stanislav Teliatnikov ng Karapatang Tumangging Magsundalo Dahil sa Kaniyang Relihiyosong Paniniwala

Nagpasiya ang European Court of Human Rights na Pinagkaitan ng Lithuania si Brother Stanislav Teliatnikov ng Karapatang Tumangging Magsundalo Dahil sa Kaniyang Relihiyosong Paniniwala

Noong Hunyo 7, 2022, gumawa ng nagkakaisang hatol ang European Court of Human Rights (ECHR) laban sa Lithuania sa kaso ni Brother Stanislav Teliatnikov, na tumangging magsundalo dahil sa kaniyang relihiyosong paniniwala. Nagpasiya ang ECHR na ang karapatang tumangging magsundalo dahil sa relihiyosong paniniwala ay ginagarantiyahan ng Article 9 (kalayaan sa pag-iisip, konsensiya, at relihiyon) ng European Convention on Human Rights. Kaya nagpasiya ang korte na nilabag ng Lithuania ang Convention at inutusan nitong bayaran si Stanislav ng kabuoang 3,000 euro ($3,196 U.S.).

Ipinatupad na ng halos lahat ng miyembrong estado ng Council of Europe ang alternative civilian service (ACS) program kailanma’t naaangkop. Nang tawagin para magsundalo, humiling si Stanislav ng ACS kaayon ng pamantayan sa Europe. Pero walang ganoong probisyon ang Lithuania. Sa hatol ng ECHR laban sa Lithuania, gaya ng katulad na hatol laban sa Armenia, Azerbaijan, at Turkey, sinabi ulit ng ECHR na kailangang mag-alok ng alternatibo sa pagsusundalo ang lahat ng miyembrong estado ng Council of Europe na hindi magpaparusa, hindi magtatangi, at talagang pansibilyan.

Sinimulan na ng Armenia ang angkop na ACS program. Ang mga kabataang lalaki na tumatangging magsundalo dahil sa kanilang relihiyosong paniniwala ay puwedeng atasang magtrabaho sa ilang anyo ng paglilingkod sa komunidad.

Inaasahan natin na susundin din ng Lithuania ang tagubilin ng ECHR na maglaan ng ACS para sa kapakinabangan ng mga kapatid natin at ng kanilang komunidad. Samantala, alam natin na patuloy na paglalaanan ni Jehova ang mga kapatid natin sa Lithuania ng patnubay at suporta na kailangan nila.—Panaghoy 3:25.