Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 2, 2022
MADAGASCAR

Bumaha sa Madagascar Dahil sa Matinding Buhos ng Ulan

Bumaha sa Madagascar Dahil sa Matinding Buhos ng Ulan

Noong Enero 2022, dahil sa matinding buhos ng ulan, bumaha at gumuho ang lupa at mga gusali sa Antananarivo, ang kabiserang lunsod ng Madagascar. Inaasahang magpapatuloy pa ang malalakas na pag-ulan.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na nasaktan o namatay

  • Di-bababa sa 693 kapatid ang lumikas

  • Walang Kingdom Hall na nasira

Relief Work

  • Inatasan ng Komite ng Sangay ang isang Disaster Relief Committee (DRC) na organisahin ang pagtulong habang sinusunod ang safety protocol para sa COVID-19

  • Tinutulungan ng DRC, mga tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang ating mga kapatid sa espirituwal at sa materyal. Tinutulungan nila ang mga kapatid na magkaroon ng matutuluyan, pagkain, at iba pang pangangailangan

Nagtitiwala tayo na patuloy na magiging isang “tanggulan” si Jehova para sa ating mga kapatid sa mahirap na panahong ito.​—Awit 31:2.