Pumunta sa nilalaman

Masayang tinanggap ng mga kapatid sa Madagascar ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa (mula kaliwa pakanan) mga wikang Tandroy, Tankarana, at Vezo

ENERO 19, 2024
MADAGASCAR

Ini-release ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Tatlong Wika sa Madagascar

Ini-release ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Tatlong Wika sa Madagascar

Noong Enero 7, 2024, ini-release ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa mga wikang Tandroy, Tankarana, at Vezo. Ginanap ang espesyal na miting sa tatlong iba’t ibang rehiyon sa Madagascar kung saan sinasalita ang mga wikang ito. Tumanggap ng inimprentang mga kopya ng release ang mga dumalo. Mada-download din ang mga release na ito sa digital format.

Tandroy

Ini-release ni Brother Paul Rahajanirina, isang miyembro ng Komite ng Sangay ng Madagascar, ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Tandroy sa isang Kingdom Hall sa lunsod ng Ambovombe. Dinaluhan ito ng 442 at napanood naman ito ng 681 sa videoconference. Sa kasalukuyan, 662 kapatid ang naglilingkod sa 25 kongregasyon at mga group sa Madagascar na nagsasalita ng Tandroy.

Tankarana

Si Brother Rolland Rafalibera, isang miyembro ng Komite ng Sangay, ang nag-release ng Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Tankarana. Ini-release ito sa isang espesyal na programa na ginanap sa isang Assembly Hall sa lunsod ng Antsiranana. May 904 na kapatid na dumalo doon at 1,218 na nakapanood ng programa sa videoconference. Mahigit 1,000 kapatid ang naglilingkod sa 28 kongregasyon at mga group na nagsasalita ng Tankarana sa Madagascar.

Vezo

Ini-release ni Brother Christopher Thomas, isang miyembro ng Komite ng Sangay, ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Vezo sa isang espesyal na programa na ginanap sa isang Kingdom Hall sa lunsod ng Toliara. Mga 1,290 kapatid ang dumalo doon at 305 ang nakapanood sa videoconference. May 706 na kapatid na naglilingkod sa 20 kongregasyon at mga group na nagsasalita ng Vezo.

Kahit na ginanap sa iba’t ibang lokasyon ang mga programa, iisa ang reaksiyon ng mga kapatid—masaya silang lahat na tanggapin ang salin ng aklat ng Mateo sa wika nila na malinaw, tumpak, at madaling basahin.

Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil binigyan niya ang mga kapatid nating nagsasalita ng Tandroy, Tankarana, at Vezo sa Madagascar ng bagong salin ng Bibliya na tutulong sa kanila na purihin ang Diyos at patibayin ang kaugnayan nila sa kaniya.​—Mateo 5:3.