Pumunta sa nilalaman

Ang bagong teokratikong pasilidad sa Madagascar na may classroom (kaliwa) at residence building (kanan)

HULYO 5, 2023
MADAGASCAR

Inialay ang Isang Bagong Teokratikong Pasilidad sa Madagascar

Inialay ang Isang Bagong Teokratikong Pasilidad sa Madagascar

Noong Mayo 27, 2023, inialay ang isang bagong teokratikong pasilidad sa isang malapit na Kingdom Hall sa Antananarivo, Madagascar. Si Brother Kenneth Cook, Jr., isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay na “A Building of Praise to Jehovah.” Kinabukasan, ginanap ang isang espesyal na programa sa isang Assembly Hall doon, na napanood ng mahigit 45,000.

Si Brother Kenneth Cook, Jr., (kaliwa) na nagpapahayag na may kasamang interpreter

Sa sangay sa Madagascar ginaganap ang mga klase ng teokratikong paaralan mula pa noong Disyembre 1999. Pero dahil dumarami ang mga kapatid na handang tumanggap ng karagdagang pagsasanay, kulang na ang space sa sangay para tanggapin silang lahat. Kaya noong Hulyo 2020, binili ang isang 1,348-square-meter na property malapit sa sangay. Nagsimula agad ang pagtatayo ng pasilidad para sa pagtuturo. Kahit may mga restriksiyon dahil sa COVID-19 pandemic, natapos ang proyekto sa loob lang nang wala pang dalawang taon. Ang property ay may isang gusali para sa classroom at isa pang gusali para sa tuluyan ng mga estudyante at instructor. Gagamitin ang pasilidad na ito para sa School for Kingdom Evangelizers at School for Circuit Overseers and Their Wives.

Dahil sa mga teokratikong paaralang ito, mas maraming kapatid ang tatanggap ng pagsasanay na tutulong sa kanila na ‘gumamit ng espirituwal na mga salita para ipaliwanag ang espirituwal na mga bagay.’—1 Corinto 2:13.