Pumunta sa nilalaman

HUNYO 13, 2017
MALAWI

Dalawang Anak ng mga Saksi ni Jehova, Pinatalsik sa Paaralan Dahil sa Matapat na Paninindigan—Pinabalik Na

Dalawang Anak ng mga Saksi ni Jehova, Pinatalsik sa Paaralan Dahil sa Matapat na Paninindigan—Pinabalik Na

LILONGWE, Malawi—Noong Mayo 3, 2017, sina Aaron Mankhamba, 18, at Hastings Mtambalika, 15, dalawang anak ng mga Saksi ni Jehova, ay pinabalik na sa paaralan pagkatapos patalsikin mula sa Khombe Primary School dahil sa pagtangging umawit ng pambansang awit sa isang pagtitipon sa paaralan. Ang mga estudyante ay hindi pinahintulutang pumasok sa klase mula noong Pebrero 13, 2017. Pinabalik sila pagkatapos umapela sa mga opisyal ng paaralan ang mga magulang ng mga batang lalaki at ang mga kinatawan mula sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova.

Sa kanilang pag-uusap, nakatulong sa mga kinatawan ng sangay ang dalawang liham mula sa gobyerno ng Malawi na ipinakita nila sa mga opisyal ng paaralan. Ang isang liham noong 1997, aktuwal na para sa mga Saksi ni Jehova sa Malawi, ay nagbigay ng pormal na pagkilala sa mga Saksi ni Jehova na nagpapahintulot sa kanila na hindi umawit ng pambansang awit. Ang isa pang liham, noong 2017, ay humihimok sa mga guro na igalang ang kalayaan sa pagsamba ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Hastings na ang pagpapabalik sa kanila ay dumating sa napakahalagang panahon, yamang malapit na ang pambansang exam: “Alalang-alala kami na baka hindi kami makakuha ng pambansang exam. Ang pagkakataong makakuha ng mga exam na ito ay minsan lang sa isang taon.” Kapag hindi nakapasa sa pambansang exam, kailangang ulitin ng mga estudyante ang gradong iyon.

Sinabi ni Augustine Semo, tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa Malawi: “Masaya ang mga estudyante dahil iginalang ang kanilang matapat na paninindigan, at pinasasalamatan namin ang mga opisyal ng paaralan sa pagtataguyod ng kalayaan sa pagsamba at pinabalik sa klase ang mga estudyanteng ito.”

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Malawi: Augustine Semo, +265-1-762-111