HUNYO 9, 2022
MALAYSIA
Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan—Inilabas sa Wikang Iban
Noong Hunyo 5, 2022, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Iban. Nagtipon-tipon ang mga kapatid sa mga Kingdom Hall para panoorin ang prerecorded na programa. Pinanood ng ibang mamamahayag ang programa sa pamamagitan ng videoconference. Makukuha ang inimprentang mga kopya sa Hulyo o Agosto 2022.
Habang isinasalin ang Bibliya, kailangang pag-isipang mabuti ng translation team ang mga pagkakaiba ng mga diyalektong Iban sa ibang rehiyon. Binasa ng isang team mula sa iba’t ibang rehiyon ang Bibliya at tinulungan ang mga translator na pumili ng salitang mauunawaan ng karamihan ng mga taong nagsasalita ng Iban.
Tutulungan din ng bagong salin na ito ang mga mamamahayag na ipaliwanag nang tumpak ang mga katotohanan sa Bibliya sa kanilang pangangaral. Halimbawa, dati napakahirap para sa mga mamamahayag na ipaliwanag ang Juan 4:24, na nagsasabi sa isang bahagi nito: “Ang mga sumasamba sa kaniya [Diyos] ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” Di-tumpak na isinalin ng mga Bibliyang Iban noon ang “espiritu” sa isang salita na nangangahulugang “espiritu ng mga patay.” Kaya nahirapan ang mga interesado na maunawaan kung paano nila dapat sambahin ang Diyos.
Tungkol sa mahalagang bagong labas na saling ito, sinabi ng isang miyembro ng translation team: “Ang pagkakaroon namin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa aming wika ay nagpapakita kung gaano kamahal ni Jehova ang lahat ng tao.”
Dalangin namin na tutulong pa ang bagong labas na Bibliyang ito sa mga nagsasalita ng Iban na mas maunawaan ang Bibliya, at maging malapít sa Diyos, at magdala ng papuri sa pangalan ni Jehova.—Awit 117:1.