Pumunta sa nilalaman

Pangangaral sa Malta bago ang pandemic

PEBRERO 7, 2022
MALTA

Mga Saksi ni Jehova—Nairehistro Na sa Malta

Mga Saksi ni Jehova—Nairehistro Na sa Malta

Isang bagong legal na korporasyon na tinatawag na Jehovah’s Witnesses in Malta (JW-Malta) ang nairehistro kamakailan bilang isang organisasyon sa bansa. Nakuha ng JW-Malta ang Certificate of Registration of a Legal Person a nito noong Disyembre 28, 2021.

Naorganisa ang mga Saksi ni Jehova sa Malta noon pang mga 1970’s. Pero sa loob ng maraming taon, ang mga kongregasyon ay hindi gaano o hindi kinikilala ng gobyerno. Kaya napakahirap para sa mga kongregasyon na magkaroon ng pag-aari o kahit makapagbukas man lang ng bank account. Noong 1994, naging di-nakarehistrong samahan sa Malta ang International Bible Students Association (IBSA). Bagaman nagkaroon ng ilang karapatan ang IBSA, napakalimitado lang nito. Dahil sa pagkilala sa JW-Malta ngayon, mas madali nang makakakilos ang country office at ang mga kongregasyon sa Malta.

Tungkol sa pagpaparehistro kamakailan, sinabi ni Brother Joe Magri, isang miyembro ng Malta Country Committee: “Nakapagpapatibay makita kung paano kami tinulungan ni Jehova na makuha ang legal na katayuang ito. Pinagpala niya kami na makuha ang rehistrong ito sa tulong ng mga brother sa Legal Department sa Britain at sa pandaigdig na punong-tanggapan. Masaya tayo na naitataguyod natin ang mga kapakanan ng Kaharian at higit pang napapapurihan si Jehova sa pagtatampok ng kaniyang pangalan sa bagong legal na korporasyon.”

Ang JW-Malta sign sa pasukan ng country office sa Malta

Sa kasalukuyan, may mahigit 800 Saksi sa Malta, na naglilingkod sa 11 kongregasyon. Masaya tayo na ang gawaing ‘pangangaral ng Kaharian ng Diyos,’ na sinimulan sa Malta ni apostol Pablo halos 2,000 taon na ang nakakalipas, ay nagpapatuloy “nang walang hadlang.”​—Gawa 28:1, 30, 31.

a Sa batas, kasama sa “legal person” ang mga indibidwal, kompanya, at iba pang organisasyon.