Pumunta sa nilalaman

ENERO 17, 2023
MEXICO

Available Na sa Mexican Sign Language ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin

Available Na sa Mexican Sign Language ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin

Noong Enero 1, 2023, ipinatalastas ni Brother Armando Ochoa, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, na available na sa jw.org at sa JW Library Sign Language app ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Mexican Sign Language (LSM). Sinabi ni Brother Ochoa ang magandang balitang ito sa isang espesyal na okasyong ginanap sa El Tejocote Assembly Hall.

Isang brother (kanan) na nag-iinterpret sa programa nang i-release ang Bibliya para sa mga bingi at bulag gamit ang tactile signing

Ito ang unang malaking in-person na pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova sa teritoryo ng sangay sa Central America mula noong magsimula ang COVID-19 pandemic. Dinaluhan ito ng 2,317 kapatid. At libo-libo ang nakapanood sa programa via live streaming sa mga Assembly Hall at Kingdom Hall sa buong Mexico.

Dumalo rin sina Mr. Sergio Peña, isang eksperto sa American Sign Language at LSM, at si Ms. María Teresa Vázquez, general director ng Institute for the Inclusion of People with Disabilities sa State of Yucatan.

Sinabi ni Mr. Peña: “Gusto naming pasalamatan ang mga Saksi ni Jehova sa Mexico. Simula Enero 1, 2023, may magagamit nang kumpletong Bibliya sa LSM ang mga bingi. Tuwang-tuwa ako, kasi napakaganda talaga nito.”

Ang pagsasalin sa LSM ng Bagong Sanlibutang Salin ay sinimulan sa Kristiyanong Griegong Kasulatan noong Agosto 2008. Sa nakalipas na 14 na taon, inire-release agad ang mga aklat ng Bibliya matapos itong isalin. Ito ang kauna-unahang kumpletong Bibliya na ini-release sa LSM.

Kahit panahon ng COVID-19 pandemic, nakikinabang ang mga kapatid nating bingi mula sa inire-release na mga aklat ng Bibliya. Sinabi ng isang brother: “Nagpapasalamat ako dahil available na ang maraming aklat ng Bibliya ngayong pandemic. Tulong ito ni Jehova para manatili kaming malakas sa espirituwal.”

Sinabi naman ng isang sister na bingi: “Noong wala pa kaming Bagong Sanlibutang Salin sa LSM, iniinterpret sa akin ng mga brother ang mga talata sa Bibliya. Pero mahirap talagang iinterpret ito nang pare-pareho. Kaya hirap akong tandaan ang mga talata sa Bibliya. Pero ngayon, hindi ko na kailangang dumepende sa iba para maintindihan ang Bibliya.”

Sigurado tayo na makikinabang ang mahal nating mga kapatid na bingi o may problema sa pandinig sa kumpletong Bibliyang ito. Ipinapanalangin natin na pagpalain sila ni Jehova sa mga pagsisikap nila na sabihin sa iba ang mensahe niya ng “magandang kinabukasan at pag-asa.”—Jeremias 29:11.