AGOSTO 17, 2020
MEXICO
Bagyong Hanna, Nag-landfall sa Mexico
Lokasyon
Estado ng Tamaulipas at ng Nuevo León, Mexico
Sakuna
Humina ang Bagyong Hanna at naging isang tropical depression. Sinalanta nito ang hilagang-silangang Mexico noong Hulyo 26, 2020 at nagdulot ng pagbaha
Epekto sa mga kapatid
Sa estado ng Nuevo León, 14 na pamilya ang inilikas bago pa dumating ang bagyo
Sa lunsod ng Reynosa, na nasa estado ng Tamaulipas, 100 mamamahayag ang kinailangang lumikas
Pinsala sa ari-arian
21 bahay ang nasira sa estado ng Nuevo León
117 bahay ang nasira sa estado ng Tamaulipas
Relief work
Bumuo ng Disaster Relief Committee ang sangay sa Central America
Nagtutulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder sa mga apektadong lugar para linisin at i-disinfect ang mga bahay na binaha
Sa estado ng Nuevo León, karamihan sa mga kapatid na lumikas ay nakabalik na sa mga bahay nila
Sa estado ng Tamaulipas, nagbibigay ng pagkain at damit ang mga kongregasyon sa mga kapatid na naapektuhan
Nagpapasalamat tayo kay Jehova na walang kapatid na nasaktan sa sakunang ito. Ipinapakita ng mga relief work na ang ating Ama sa langit at ang mga lingkod niya ay laging ‘handang tumulong kapag may mga problema.’—Awit 46:1.