NOBYEMBRE 3, 2021
MEXICO
Baha sa Pacific Coast ng Mexico Dahil sa Bagyong Pamela
Noong Oktubre 13, 2021, hinampas ng bagyong Pamela (Category 1) ang baybayin ng Mexico. Nagdala ito ng malalakas na hangin, pag-ulan, at pagbaha lalo na sa Durango, Nayarit, at Sinaloa.
Epekto sa mga Kapatid
Walang nasaktan sa mga kapatid
112 kapatid ang lumikas
75 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Sinabi ng mga kapatid na naging handa sila dahil sa mga paalaala mula sa organisasyon tungkol sa likas na mga sakuna
Ang mga lumikas ay pinatuloy ng kanilang mga kamag-anak o kapuwa Saksi
Pinaglaanan ng pagkain ang 20 kapatid
Dinadalaw at pinapatibay ng mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo
Sinunod ng lahat ng tumulong ang mga safety protocol para sa COVID-19
Kitang-kita sa agarang pagtulong ang maibiging malasakit ni Jehova sa mga kapatid na naapektuhan ng bagyo. Talagang ang ating Diyos ay isang “ligtas na kanlungan.”—Awit 59:16.