HUNYO 10, 2022
MEXICO
Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Nahuatl (Northern Puebla)
Noong Hunyo 5, 2022, ini-release ni Brother Edward Bunn, miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Nahuatl (Northern Puebla) sa printed at digital format. Napanood ng mahigit 1,500 ang prerecorded na programa via streaming.
Nakatira ang karamihan sa mga nagsasalita ng Nahuatl (Northern Puebla) sa mga state ng Mexico na Puebla at Veracruz. Naitatag ang unang mga kongregasyon sa Nahuatl (Northern Puebla) noong 2002. Isang salin lang ng Bibliya sa Nahuatl ang ginagamit ng mga kapatid doon. At sa saling iyon, pinalitan ang pangalang Jehova ng mga titulong gaya ng Panginoon at Diyos.
Sinabi ni Brother Bunn sa pahayag niya: “Pinasisigla namin kayo na basahin agad ang salin na ito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makakapagtiwala kayo na tumpak na inihahatid nito ang mensahe ng Diyos sa inyong wika.”
Nagtitiwala tayo na patitibayin ng salin na ito ang mga kapatid natin na nagsasalita ng Nahuatl (Northern Puebla) at tutulong ito sa kanila na ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.—Marcos 13:10.