HUNYO 20, 2019
MEXICO
Monterrey, Mexico—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hunyo 7-9, 2019
Lokasyon: BBVA Bancomer Stadium sa Monterrey, Mexico
Wika ng Programa: English, Mexican Sign Language, Spanish
Bilang ng Venue na Naka-tie In: 38 sa 6 na bansa (Costa Rica, Guatemala, Honduras, Mexico, Nicaragua, at Panama)
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 39,099
Bilang ng Nabautismuhan: 393
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 4,682
Mga Sangay na Imbitado: Argentina, Brazil, Colombia, France, Italy, Japan, Netherlands, Paraguay, Peru, Spain, United States
Karanasan: Binisita ni Roberto Valero, isang kinatawan ng alkalde ng lunsod ng Guadalupe, ang venue ng kombensiyon noong Sabado. Sinabi niya: “Isa sa mga tunguhin ng ating gobyerno ay ang mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa bansa. Malaki ang naitulong ninyo dito, kayong mga Saksi ni Jehova, dahil mabubuti kayong mamamayan. Alam iyan ng buong lunsod.”
Sinalubong ng mga kapatid ang mga delegado sa Monterrey International Airport
Mga delegadong dumarating sa venue ng kombensiyon at makikita sa likuran ang magandang Bundok Silla
Si Brother Mark Sanderson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag noong Biyernes
Isang kapatid na binautismuhan sa isa sa apat na pool na ginamit sa kombensiyon
Mga delegadong nakikinig nang mabuti sa programa
Mga delegadong nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway noong huling araw ng kombensiyon
Isang pamilya mula sa Apodaca, Mexico, na may hawak na isang karatula na nagsasabing ‘Mahal namin kayo’
Isang delegado at isang sister na taga-Mexico na nangangaral sa Monterrey
Mga delegadong nanonood ng sayaw na Polka Norteña na mula sa hilagang Mexico
Mga sister na pine-perform ang isang tradisyonal na sayaw na mula sa Jalisco, Mexico