NOBYEMBRE 2, 2023
MEXICO
Sinalanta ng Bagyong Otis ang Timog-Kanlurang Baybayin ng Mexico
Noong Oktubre 25, 2023, nag-landfall ang bagyong Otis sa timog-kanlurang baybayin ng Mexico malapit sa lunsod ng Acapulco, Mexico, na dinarayo ng mga turista. Mas mabilis ang paglakas ng bagyong ito kaysa sa lahat ng naunang bagyo na naitala sa rehiyong iyon ng Pacific Ocean. Nagdala ito ng malalakas na hangin na mahigit 265 kilometro kada oras at ng malalakas na ulan na nagdulot ng matinding pagbaha. Nag-iwan ito ng malaking pinsala sa mga kalsada, gusali, at iba pang imprastraktura. Libo-libo ang nawalan ng kuryente. Di-bababa sa 45 ang namatay.
Ang sumusunod na impormasyon ay batay sa ulat ng mga kapatid doon.
Epekto sa mga Kapatid
Walang namatay o nasugatang kapatid
Mahigit 10,000 kapatid ang nakatira sa apektadong lugar
Isang Assembly Hall sa Acapulco ang matinding napinsala
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan
Dumalaw ang 4 na kinatawan mula sa sangay ng Cental America para magbigay ng pampatibay at tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Ipinapanalangin natin na patuloy na bigyan ni Jehova ng kapayapaan at kaaliwan ang mahal nating mga kapatid na naapektuhan ng bagyong Otis.—Filipos 4:6, 7.