Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 15, 2018
MEXICO

Binayo ng Dalawang Bagyo ang Mexico

Binayo ng Dalawang Bagyo ang Mexico

Noong Oktubre 23, ang Mexico ay sinalanta ng dalawang bagyo—Bagyong Vicente at Bagyong Willa. Ang Bagyong Vicente ay nagdulot ng matinding baha at mga mudslide sa bandang timog ng Mexico, at 11 katao ang namatay. Binayo naman ng Bagyong Willa ang baybaying Pasipiko ng Mexico. May dala itong napakalakas na ulan at hanging may bilis na 193 kilometro kada oras. Dahil diyan, 4,250 katao ang lumikas.

Ayon sa sangay ng Central America, na nangangasiwa sa gawain sa Mexico, walang kapatid na namatay o nasugatan sa dalawang bagyo. Pero sa estado ng Nayarit, 118 mamamahayag ang lumikas sa mas mataas na lugar. Sa Sinaloa, binaha ang isang Kingdom Hall at ang ilang bahay ng mga kapatid. Binaha rin ang mga bahay ng limang pamilyang Saksi sa Michoacán. Nilinis at kinumpuni na ng mga kapatid doon ang mga bahay at Kingdom Hall na binaha.

Dalangin natin na patuloy na makapagtiis ang mga kapatid natin sa Mexico na naapektuhan ng mga bagyong ito. Alam natin na darating ang panahon kung kailan mawawala na ang mga likas na sakuna.—2 Corinto 6:4.