SETYEMBRE 20, 2017
MEXICO
Niyanig ng Magnitude 7.1 na Lindol ang Central Mexico
Noong Setyembre 19, 2017, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Central Mexico, at mahigit 200 katao ang namatay. Natanggap namin ang sumusunod na impormasyon mula sa tanggapang pansangay sa Central America.
Nakalulungkot, kumpirmadong isa sa ating mga sister sa Mexico City ang namatay dahil sa lindol. Isang sister ang nawawala pa rin sa isang gumuhong gusali. Sa lunsod ng Puebla, isang sister ang malubhang nasugatan, at sa State of Mexico, isa pang sister ang nasugatan at naospital.
Ang mga nasa tanggapang pansangay ay pansamantalang lumikas, pero bumalik na sa normal ang operasyon doon. Walang nasugatan at walang naiulat na naging pinsala sa pasilidad.
Patuloy nating ipanalangin ang ating mga kapatid sa mahirap na panahong ito. Alam natin na tutulungan sila ni Jehova at nauunawaan niya ang kanilang “kabagabagan.”—Awit 31:7.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Mexico: Gamaliel Camarillo, +52-555-133-3048