Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 28, 2014
MEXICO

Mga Saksi Pinuri ng mga Opisyal sa Mexico Dahil sa Paglilinis sa Sports Facility

Mga Saksi Pinuri ng mga Opisyal sa Mexico Dahil sa Paglilinis sa Sports Facility

MEXICO CITY—Pinasalamatan ng lokal na mga opisyal ang mahigit 250 Saksi ni Jehova na nagboluntaryong maglinis sa Baldomero “Melo” Almada sports facility noong Hunyo 7, 2014, bilang paghahanda para sa isang espesyal na pagtitipon ng komunidad.

Si Propesor Antonio Cota Márquez, direktor ng Municipal Sports Institute sa Huatabampo, Mexico, ay ilang buwan nang naghahanap ng mga boluntaryong tutulong sa paglilinis ng istadyum para sa inagurasyon ng bagong running track noong Hulyo 7, 2014. Malugod na tumugon ang mga Saksi ni Jehova sa kahilingan ng direktor. Tinulungan nila siya at ang mga cleaning personnel ng pasilidad sa kinakailangang mga gawain gaya ng pag-aalis ng mga basura sa istadyum, pagpipinta sa mga backboard ng basketball, at pag-aasikaso sa bakuran.

Awditoryum sa loob ng sports facility, kung saan nagdaraos ng libreng pagtuturo sa Bibliya ang mga Saksi.

Nagpasiya si Director Cota na kontakin ang mga Saksi dahil alam niya kung paano nila pinangangalagaan ang isa sa mga awditoryum ng sports facility, kung saan regular silang nagdaraos ng libreng pagtuturo ng Bibliya sa mga wikang Spanish at Mayo. Matapos maobserbahan kung paano nilinis at kinumpuni ng mga Saksi ang pasilidad, sinabi ni Director Cota sa isang interbyu: “Natutuwa kaming makita ang mapagkawanggawang mga taong ito na naglaan ng kanilang panahon para linisin ang aming sports facility.” Sinabi pa niya nang maglaon: “Sa ngalan ng aming mayor na si Ramón Díaz Nieblas, pakisuyong tanggapin ang aming pasasalamat para sa inyong tulong. Patuloy naming susuportahan ang paggamit ninyo sa pasilidad na ito. Natutuwa kami sa inyong mahusay na pakikipagtulungan.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Mexico: Gamaliel Camarillo, tel. + 52 555 133 3000