Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 2, 2018
MICRONESIA

Sinalanta ng Super Typhoon Yutu ang Northern Mariana Islands

Sinalanta ng Super Typhoon Yutu ang Northern Mariana Islands

Noong Oktubre 24, 2018, sinalanta ng Category 5 na Super Typhoon Yutu ang Northern Mariana Islands. Pinakaapektado ang pinakamalalaking isla, ang Saipan at Tinian, na hinagupit ng hanging may bilis na 280 kilometro kada oras (174 mph). Maraming bahay ang nawasak at libo-libong residente ang nawalan ng kuryente.

Ayon sa ulat ng tanggapang pansangay sa Micronesia, na nangangasiwa sa gawain sa Northern Mariana Islands, wala namang namatay o nasaktang kapatid. Pero nawasak ang bahay ng 15 Saksi at 40 bahay pa ang nasira. Napinsala rin ang missionary home sa Saipan at ang mga Kingdom Hall sa Saipan at Tinian.

Pinangangasiwaan ng isang Disaster Relief Committee ang pagtulong sa mga biktima. Inaasikaso naman ng mga Saksing tagaroon ang mga mamamahayag na lumikas. Isang miyembro ng Komite ng Sangay ang pupunta sa mga apektadong lugar para magbigay ng pampatibay mula sa Bibliya.

Ipanalangin natin ang ating mga kapatid na naging biktima ng sakunang ito. Nakakaaliw malaman na “si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,” at na “ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin.”—Awit 145:18, 19.