Pumunta sa nilalaman

Ang Korte Suprema ng Monaco

NOBYEMBRE 23, 2022
MONACO

Legal Nang Nairehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Monaco

Legal Nang Nairehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Monaco

Noong Nobyembre 19, 2022, opisyal nang nairehistro ang mga Saksi ni Jehova sa Monaco dahil sa dalawang desisyon mula sa Korte Suprema ng Monaco at sa desisyon ng European Court of Human Rights (ECHR).

Wala pang dalawang taon matapos ipasa ng mga brother ang aplikasyon sa ECHR, ibinigay ng ECHR ang desisyon nila sa gobyerno ng Monaco at sinabing gawan ito ng solusyon.

Pagkatapos masabi ang kaso sa gobyerno, nag-usap muna ang dalawang panig para mag-ayos. Pumayag ang gobyerno ng Monaco na irehistro ang mga Saksi ni Jehova. Kaya noong Disyembre 9, 2021, naglabas ng desisyon ang ECHR na tinatanggap nito ang pag-aayos ng magkabilang panig kung saan legal na irerehistro ng gobyerno ng Monaco ang ating organisasyon nang walang restriksiyon sa ating pagsamba. Pumayag din ang gobyerno na bayaran ang mga legal fee na umaabot nang mahigit 35,000 euro ($40,000 U.S.).

Noong Nobyembre 16, 2022, naglabas ang gobyerno ng Monaco ng isang dokumento bilang patunay ng pagrerehistro sa Association Monégasque pour le Culte des Témoins de Jéhovah (Asosasyon Para sa Pagsamba ng mga Saksi ni Jehova sa Monaco). Inilathala ang dokumentong ito sa Journal of Monaco noong Nobyembre 18, 2022.

Masaya tayo na maaari nang sumamba ang mga kapatid natin sa Monaco nang walang anumang restriksiyon mula sa gobyerno. Matagal na nating hinihintay ang legal na pagkilalang ito, kaya nagpapasalamat tayo kay Jehova.—Filipos 1:7.