Pumunta sa nilalaman

Bagyong Chalane sa baybayin ng Mozambique

ENERO 13, 2021
MOZAMBIQUE

Bagyong Chalane, Nanalanta sa Mozambique

Bagyong Chalane, Nanalanta sa Mozambique

Lokasyon

Mga probinsiya ng Sofala at Manica sa gitnang Mozambique, kasama ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Idai noong Marso 2019

Sakuna

  • Nag-landfall ang Bagyong Chalane sa baybayin ng Mozambique noong Disyembre 30, 2020. Nagdulot ang baha at mga landslide ng malaking pinsala

Epekto sa mga kapatid

  • Tatlong kapatid ang nasugatan

Pinsala sa ari-arian

  • 34 na bahay ang bahagyang nasira

  • 12 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 16 na bahay ang nawasak

  • 7 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 4 na Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 1 Kingdom Hall ang nawasak

Relief work

  • Isang Disaster Relief Committee ang ipinadala para asikasuhin ang relief work. Inasikaso rin nila ang matutuluyan ng mga kapatid na nawasak ang bahay. Ginawa nila ito habang sumusunod sa mga safety protocol ng COVID-19

Ipinapanalangin natin na patuloy na tutulungan ni Jehova ang mga kapatid na naapektuhan ng bagyong ito.—Awit 121:2.