Pumunta sa nilalaman

MAYO 28, 2019
MOZAMBIQUE

Hinagupit ng Bagyong Kenneth ang Hilagang Mozambique

Hinagupit ng Bagyong Kenneth ang Hilagang Mozambique

Noong Abril 25, 2019, hinagupit ng Bagyong Kenneth ang hilagang Mozambique. Ito ang ikalawang bagyo na tumama sa bansang ito matapos manalanta ang Bagyong Idai noong Marso. Ang Bagyong Kenneth ay nagdulot ng mga pagbaha at landslide, na sumira sa mga bahay at kalsada kung kaya lalo pang humirap ang kalagayan doon.

Mga 300 mamamahayag ang nakatira sa probinsiya ng Cabo Delgado, pero walang nasaktan o namatay sa bagyo. Samantala, 9 na bahay ng ating mga kapatid ang nawasak at 16 naman ang napinsala. Isang Kingdom Hall din ang nawasak at tatlo ang napinsala. Ang naglalakbay na tagapangasiwa doon, isang miyembro ng Local Design/Construction, at dalawang kapatid mula sa remote translation office ay bumisita sa lahat ng naapektuhang kongregasyon at nagbigay ng kinakailangang tulong.

Ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid habang patuloy silang umaasa na palalakasin at tutulungan sila ni Jehova “kapag may mga problema.”—Awit 46:1.