Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 3, 2023
MOZAMBIQUE

Ini-release ang Aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Wikang Chopi

Ini-release ang Aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Wikang Chopi

Noong Oktubre 29, 2023, ini-release ang aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Chopi sa isang special meeting sa Quissico, Mozambique. Ini-release ni Brother Marcelo Santos, miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang aklat ng Mateo sa Chopi sa 460 dumalo. Tumanggap ng inimprentang kopya ang mga dumalo. Naging available din ito sa digital at audio format.

Mga 1.1 milyon ang nagsasalita ng Chopi, at nakatira ang karamihan sa kanila sa mga lalawigan sa timog ng Mozambique. Mahigit 332 kapatid ang naglilingkod sa pitong kongregasyon at limang group na nagsasalita ng Chopi. Kahit na may ibang mga salin ng Bibliya sa Chopi, hindi makikita sa mga iyon ang pangalan ni Jehova. Napakamahal din ang mga saling iyon at luma na ang ginamit na mga salita.

Nakikisaya tayo sa mga kapatid nating nagsasalita ng Chopi sa magandang release na ito, at dalangin natin na sana matulungan nito ang mas marami pang tao na nauuhaw sa katotohanang nasa Salita ng Diyos.​—Isaias 55:1.