Pumunta sa nilalaman

HULYO 13, 2023
MOZAMBIQUE

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Mozambican Sign Language

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Mozambican Sign Language

Noong Hulyo 9, 2023, ini-release ang aklat ng Bibliya na Mateo sa Mozambican Sign Language sa isang espesyal na programa sa Maputo, Mozambique. Ipinatalastas ito ni Brother Castro Salvado, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, sa 857 dumalo, kasama na ang mga nakapanood sa pamamagitan ng videoconference. Mada-download na ito ngayon sa JW Library Sign Language app at sa jw.org.

Noong 2017, itinatag ang isang Mozambican Sign Language translation team sa tanggapang pansangay sa Maputo para makagawa ng mga publikasyon para sa mga binging Saksi ni Jehova sa Mozambique. Ngayon, may mahigit na 344 na mamamahayag sa 5 sign-language congregation, 12 group, at 10 pregroup.

Ito ang unang aklat sa Bibliya na makukuha sa Mozambican Sign Language. Sinabi ng isang tagapagsalin: “Hindi pa nababasa ng mga tao na gumagamit ng Mozambican Sign Language ang modelong panalangin sa sarili nilang wika . Umaasa akong magagamit ko ang Mateo 6:9-13 para tulungan ang mga Bible study ko na malaman kung bakit mahalagang manalangin.”

Masaya tayong malaman na mas marami pang tapat-pusong mga tao sa Mozambique ang matutulungan ng release na ito na matuto tungkol sa “salita ng Diyos.”​—Roma 3:2.