Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 18, 2023
MOZAMBIQUE

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Phimbi

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Phimbi

Noong Agosto 13, 2023, ini-release ni Brother Charles Fonseca, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang The Bible—The Good News According to Matthew sa wikang Phimbi. Ito ang unang aklat ng Bibliya sa wikang iyon. Ini-release ito sa 3,055 dumalo sa 2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Fingoe. Nakatanggap ng inimprentang kopya ang mga dumalo. Available na rin ito sa digital format.

Nakatira sa kanlurang bahagi ng probinsiya ng Mozambique na Tete, malapit sa border ng Zambia, ang karamihan sa mga nagsasalita ng Phimbi. Tinatayang mahigit 100,000 ang nagsasalita ng Phimbi. May 897 kapatid sa 20 kongregasyon at 2 group na nagsasalita ng Phimbi sa Mozambique. Sinabi ng isang kinatawan ng sangay sa Mozambique: “Natutuwa kami para sa mga kapatid natin na nagsasalita ng Phimbi kasi may aklat na ng Mateo sa wika nila.”

Masaya tayo sa magandang regalong ito para sa mga kapatid natin na nagsasalita ng Phimbi, pati na sa lahat ng iba pang “mahinahon,” kasi malalaman na nila ang lahat ng pangako ni Jesus sa hinaharap.​—Mateo 5:5.