Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 6, 2022
MOZAMBIQUE

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Sena

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Sena

Noong Oktubre 2, 2022, ini-release ni Brother David Amorim, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Sena. a Ang Bibliya ay ini-release sa isang programa na patiunang inirekord, at napanood ng maraming kapatid sa kanilang lokal na Kingdom Hall. Ang programa ay napanood din sa telebisyon at napakinggan sa 14 na istasyon ng radyo.

Ang Sena ay sinasalita sa apat na probinsiya ng Mozambique: Manica, Sofala, Tete, at Zambezia. Sinasalita rin ang Sena sa ilang bahagi ng Malawi.

Ang Sena remote translation office sa Beira, Mozambique

Ito ang unang pagkakataon na naisalin ng mga Saksi ni Jehova ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin sa isang katutubong wika ng Mozambique. Bago ilabas ang Bibliyang ito, may ilang bahagi na ng Bibliya na makukuha sa Sena, pero mahal ito at hindi na maintindihan ang mga salitang ginamit.

Natutuwa tayo sa espesyal na pagpapalang ito ni Jehova para sa ating mga kapatid na nagsasalita ng Sena.​—Kawikaan 10:22.

a Makukuha ang Bibliya sa inimprenta at elektronikong format nito.