Pumunta sa nilalaman

MARSO 9, 2023
MOZAMBIQUE

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Ronga

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Ronga

Noong Marso 5, 2023, ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Ronga sa isang special meeting sa National Stadium ng Zimpeto, sa Maputo, Mozambique. Ini-release ito ni Brother Castro Salvado, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, sa 3,150 tagapakinig. Ito ang unang in-person na pagre-release ng Bibliya sa Mozambique simula noong COVID-19 pandemic. Tumanggap ng inimprentang kopya ng Bibliya ang mga dumalo.

Ang Ronga ang katutubong wika na sinasalita ng mga 618,000 tao at ito ang wikang ginagamit sa buong lalawigan ng Maputo sa Mozambique. Kahit may mga salin na ng Bibliya sa wikang Ronga, ang ilan sa mga ito ay gumagamit ng mga salitang iba ang spelling at bigkas, at hindi na naiintindihan ng karamihan sa ngayon.

Tungkol sa bagong release na Bibliya, sinabi ng isang translator: “Nagpapasalamat ako sa regalong ito! Alam kong masayang-masaya ang mga kapatid na magkaroon ng isang salin ng Bibliya na simple at madaling maintindihan. Tatagos na sa puso namin ang mga salita ni Jehova.”

Masaya tayo para sa mga kapatid natin dahil sa release na ito at dalangin natin na patuloy na pagpalain ni Jehova ang mga kapatid na nangangaral sa mga nagsasalita ng Ronga.—Roma 12:15.