Pumunta sa nilalaman

MAYO 4, 2023
MOZAMBIQUE

Ini-release sa Wikang Gitonga ang Kristiyanong Griegong Kasulatan

Ini-release sa Wikang Gitonga ang Kristiyanong Griegong Kasulatan

Noong Abril 30, 2023, ini-release sa wikang Gitonga ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa isang special meeting na ginanap sa Maxixe, Inhambane Province, Mozambique. Ini-release ni Brother Wayne Wridgway, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang Bibliya sa 920 dumalo. Tumanggap ng inimprentang kopya ng Bibliya ang lahat ng dumalo. Available na rin ito sa digital format.

Ang wikang Gitonga ay sinasalita sa Inhambane Province sa Mozambique. Kilalá ang mga tao doon sa pagiging mapagpatuloy at mabait. Mga 327,000 tao mula sa iba’t ibang rehiyon ng probinsiya ng Homoíne, Jangamo, Maxixe, at Morrumbene ang nagsasalita ng wikang Gitonga.

Ang Gitonga remote translation office sa Maxixe, Inhambane Province, Mozambique

Nahihirapan noon ang mga kapatid na maintindihan ang mga salin ng Bibliya sa Gitonga. Pero sa tulong ng bagong release na ito, masaya ang mga kapatid kasi madali na nilang naiintindihan ang Bibliya. Sinabi ng isang translator: “Simpleng mga salita ang ginagamit ng isang maibiging ama kapag nakikipag-usap siya sa mga anak niya. Sa tulong din ng bagong salin na ito ng Bibliya, madali nang mauunawaan ng mga nagsasalita ng Gitonga ang mga salita ng ating maibiging Ama, si Jehova.”

Nang i-release ang Bibliya, sinabi ni Brother Wridgway: “Hindi sapat ang pananalangin araw-araw kung gusto nating maging malapít sa Diyos. Kailangan din nating makinig sa kaniya araw-araw habang kinakausap niya tayo gamit ang Salita niya, ang Bibliya. Pinapasigla namin kayong basahin agad ang kopya n’yo ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan at gawin ito araw-araw.”

Nakikisaya tayo sa mga kapatid natin dahil sa release na ito ng Bibliya, at dalangin natin na patuloy sanang pagpalain ni Jehova ang pangangaral sa mga taong nagsasalita ng Gitonga.—Roma 12:15.