Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 18, 2020
MOZAMBIQUE

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Ini-release sa Wikang Changana at Macua

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Ini-release sa Wikang Changana at Macua

Noong Agosto 15 at 16, 2020, ini-release sa electronic format ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Changana at Macua sa Mozambique. Mahigit 8,000 kapatid ang nagsasalita ng Changana, at mahigit 1,700 naman ang nagsasalita ng Macua.

Ini-release ni Brother David Amorim, miyembro ng Komite ng Sangay sa Mozambique, ang mga Bibliya sa isang nakarekord na programa, na napanood ng mga kapatid gamit ang streaming. Naaprobahan ding i-broadcast ang programa sa isang TV station at mahigit 30 radio station.

Karamihan sa nagsasalita ng Changana ay nakatira sa dalawang probinsiya sa timog ng Mozambique. Tinatayang 1.9 milyon ang gumagamit ng wikang ito. Kahawig ito ng wikang Tsonga, na ginagamit naman sa katabing bansa, ang South Africa.

Ang mga Macua ay nakatira sa mga hilagang probinsiya ng Mozambique. Tinatayang 5.8 milyon ang nagsasalita ng Macua, at ito ang katutubong wika sa Mozambique na may pinakamaraming gumagamit.

Sa loob ng maraming taon, nahirapan ang mga kapatid na gumagamit ng mga wikang ito na magkaroon ng Bibliya. Mahal kasi ang Bibliya doon, at kung minsan, ayaw pang pagbilhan ng Bibliya ang mga Saksi ni Jehova. Sinabi ng isang tagapagsalin: “May mga kongregasyon na iisa lang ang Bibliya, at iniiwan nila iyon sa Kingdom Hall para magamit ng mga magpapahayag at ng mga may bahagi sa pulong.”

Masayang-masaya tayo para sa mga kapatid natin na nakatanggap ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Changana at Macua. Alam natin na malaki ang maitutulong ng mga ito sa mga tao para “magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:3, 4.