SETYEMBRE 12, 2016
NAGORNO-KARABAKH
Binigyan ng Amnestiya at Pinalaya si Artur Avanesyan
Noong Setyembre 6, 2016, pinalaya ng mga awtoridad sa Nagorno-Karabakh ang 20-anyos na si Artur Avanesyan mula sa bilangguan ng Shushi, batay sa panlahatang amnestiya. Sa kaniyang 30-buwan na sentensiyang pagkabilanggo dahil sa paratang na pagtangging magsundalo, si Mr. Avanesyan ay nakulong nang 26 na buwan. Ang totoo, nag-aplay siya para sa alternatibong serbisyong pansibilyan, pero hindi pinansin ng mga awtoridad ang kaniyang kahilingan. Ang kabataang ito ay tuwang-tuwa na muling makasama ang kaniyang pamilya.
Nagpapasalamat ang mga Saksi ni Jehova sa paglaya ni Mr. Avanesyan. Umaasa sila na kikilalanin ng mga awtoridad ang karapatan na tumangging magsundalo udyok ng budhi at bibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang lalaki sa Nagorno-Karabakh na magsagawa ng alternatibong serbisyong pansibilyan kapalit ng sapilitang pagsusundalo.