Pumunta sa nilalaman

NAMIBIA

Maikling Impormasyon—Namibia

Maikling Impormasyon—Namibia

Mula pa noong 1929, ang mga Saksi ni Jehova ay aktibo na sa Namibia. Gayunman, ang kanilang relihiyosong gawain ay hinigpitan ng gobyerno ng South Africa, na kontrolado noon ng minorya na namamahala sa Namibia sa bisa ng utos ng League of Nations. Mula noong maagang bahagi ng dekada ’50 hanggang sa pagtatapos ng dekada ’70, pinagbawalan ng mga awtoridad ang mga puti sa pagpunta sa lugar ng mga itim kung wala silang permit mula sa gobyerno, sa gayo’y nilimitahan ang gawain ng mga misyonerong banyaga. Noong mga taóng iyon, napaharap ang mga Saksi sa matinding pagsalansang ng mga lider ng relihiyon at lokal na mga awtoridad dahil sa pagbabahagi ng kanilang relihiyosong paniniwala sa iba.

Noong Marso 21, 1990, natamo ng Namibia ang kasarinlan mula sa South Africa. Sa ilalim ng bagong konstitusyon, nagkaroon ng higit na kalayaan sa pagsamba ang mga Saksi ni Jehova. Legal silang inirehistro noong 2008. Ang mga Saksi ni Jehova sa Namibia ay nagpapasalamat dahil malaya nilang nagagawa ang kanilang mga relihiyosong gawain.