AGOSTO 25, 2017
NEPAL
Nepal—Sinalanta ng Baha at Pagguho ng Lupa
Ang malalakas na buhos ng ulan dahil sa habagat ay nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Nepal, kung kaya libo-libo ang nagsilikas at mahigit 140 ang namatay. Sinira ng baha ang mga highway at linya ng kuryente, na nakahadlang sa paghahatid ng tulong.
Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Japan, na nag-oorganisa rin sa gawain ng mga Saksi sa Nepal, na walang Saksi ang nasugatan o namatay sa insidente. Pero di-kukulanging apat na pamilyang Saksi ang lumikas dahil nasalanta ng baha ang bahay nila. Tinutulungan ng mga Saksi roon ang kanilang mga kapananampalatayang nagsilikas.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Japan: Ichiki Matsunaga, +81-46-233-0005
Nepal: Reuben Thapaliya, +977-9813469616