Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 8, 2019
NETHERLANDS

Utrecht, Netherlands—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon

Utrecht, Netherlands—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
  • Petsa: Agosto 2-4, 2019

  • Lokasyon: Jaarbeurs Hallencomplex, Utrecht, Netherlands

  • Wika ng Programa: Arabic, Dutch, Dutch Sign Language, English, Papiamento, Polish, Portuguese, Spanish, Twi

  • Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 42,335

  • Bilang ng Nabautismuhan: 212

  • Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,000

  • Mga Sangay na Imbitado: Australasia, Belgium, Brazil, Canada, Colombia, Indonesia, Korea, Portugal, Romania, South Africa, Suriname, United States

  • Karanasan: Isang brother, na nagtatrabaho sa isang cleaning company na kinontrata ng Jaarbeurs Hallencomplex, ang nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang manager: “Y’ong grupong gumagamit ng venue, tumutupad sila sa napagkasunduan, at ayon sa iskedyul! Nililinis nila ang lugar, at gumawa sila ng kaayusan para mapanatili itong malinis. Baka pagkatapos nilang gamitin ang venue, mas maayos pa ’yon kaysa no’ng ipahiram natin sa kanila. Ang galing talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Nilinis pa nga nila y’ong mga parte ng restaurant na hindi na ginagamit! Laging may dalawang tao na nakapuwesto sa mga CR; at kung may mangyari man kung saan, may nag-aasikaso agad no’n! Ngayon ko lang ito naranasan.”

 

Masayang tinatanggap ng mga kapatid sa airport ang mga delegado

Sinasalubong ng mga Bethelite ang mga delegadong magtu-tour sa sangay sa Netherlands

Sinasamahan ng isang delegado ang isang sister sa pamamahagi ng imbitasyon

Mga kapatid na nakikinig sa programa sa main auditorium ng Jaarbeurs Hallencomplex. Naka-tie in ang lima pang auditorium sa complex na iyon

Binabautismuhan ang ilan sa 212 bagong mga kapatid

Mga kapatid na nakikinig at nagnonota habang sesyon

Nagbibigayan ng regalo ang mga delegado

Si Brother Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag noong araw ng Linggo

Mga misyonero at iba pang nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa mga dumalo sa pagtatapos ng kombensiyon