DISYEMBRE 27, 2019
NIGERIA
Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan—Inilabas sa Wikang Tiv
Noong Disyembre 20, 2019, inilabas ni Brother Wilfred Simmons, miyembro ng Komite ng Sangay sa Nigeria, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Tiv. Ipinatalastas ito sa “Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! na Panrehiyong Kombensiyon na ginanap sa City Bay Event Center sa Makurdi, Benue State, Nigeria.
Napapanahon ang paglalabas ng Bibliyang ito, na isinalin nang halos dalawang taon. Ang Tiv ay isa sa mga pangunahing wika sa Nigeria—ginagamit ito ng mahigit limang milyong tao. Sa nakalipas na tatlong taon, ang 600 mamamahayag na nagsasalita ng wikang Tiv ay naging 1,012.
Makakatiyak tayong makakatulong ang bagong saling ito ng Bibliya sa pagsulong sa teritoryong nagsasalita ng wikang Tiv, na “maputi na para sa pag-aani.”—Juan 4:35.