AGOSTO 9, 2023
NIGERIA
Nagbukas Na ang Bagong mga Pasilidad sa Pagtuturo ng Bibliya sa Nigeria
Binuksan kamakailan ng sangay sa Nigeria ang bagong mga pasilidad sa pagtuturo ng Bibliya. Pangunahin nang gagamitin ang mga gusaling ito para sa School for Kingdom Evangelizers (SKE). Nag-umpisa ang klase sa Uli, Nigeria, noong Pebrero 2023, at Hunyo 2, 2023 naman sa pasilidad sa Ibadan, Nigeria. Gagamitin din ang mga gusali para sa School for Circuit Overseers and Their Wives.
Ang dalawang pasilidad ay itinayo sa lupa ng Assembly Hall, at mayroon itong isang classroom, isang library, at tirahan ng mga estudyante. Taon-taon, mahigit 500 kapatid ang nag-aaplay para sa SKE sa Nigeria, kaya inaasahang magkakaroon ng apat na klase bawat taon. Gaganapin ito sa English, Igbo, Pidgin (West Africa), at Yoruba.
Ganito ang sabi ng isang grupo ng mga estudyanteng katatapos lang mag-SKE sa Uli tungkol sa tahimik na lokasyon at komportableng pasilidad: “Mas nakakapagpokus kami sa pag-aaral dahil sa kapaligiran at komportableng tulugan. Damang-dama namin ang pag-ibig ng mga kapatid kasi hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang mga servant at volunteer sa pasilidad para mailaan ang pangangailangan namin.”
Nagtitiwala tayo na ang bagong mga pasilidad na ito ay tutulong sa mga kapatid sa Nigeria na ‘maisagawa nang lubusan ang kanilang ministeryo.’—2 Timoteo 4:5.