OKTUBER 21, 2022
NIGERIA
Napakatinding Sakuna sa Nigeria Dahil sa Mapangwasak na Pagbaha
Naranasan ng Nigeria ang pinakamatinding pagbaha sa loob ng maraming taon dahil sa malakas na buhos ng ulan. Lubhang naapektuhan ang mga lugar na malapit sa baybayin sa gawing timog at sa kahabaan ng mga ilog Niger at Benue. Nasira rin ng pagbaha ang imprastraktura, mahigit isang milyong tao ang nagsilikas, at 600 katao ang namatay. Inilarawan ng National Emergency Management Agency sa Nigeria ang sakuna na napakatindi. Naniniwala ang mga awtoridad na dahil sa pinsalang dala ng pagbaha, magkakaroon ng taggutom.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay
4,074 na mamamahayag ang lumikas
900 bahay ang kasalukuyang binabaha
180 bahay ang nawasak
70 Kingdom Hall at 1 Assembly Hall ang binaha
Relief Work
4 na Disaster Relief Committee ang inatasan
Pinaglaanan ng pagkain, pansamantalang matitirhan, at iba pang kailangan nila ang mga kapatid na lumikas
Nagse-shepherding ang mga elder at tagapangasiwa ng sirkito doon sa mga naapektuhan ng baha at pinaglaanan sila ng praktikal na tulong
Sinusunod ng lahat ng tumutulong sa relief work ang safety protocol para sa COVID-19
Masaya kaming malaman na kahit nabubuhay tayo sa mahihirap na panahon, patuloy na naglalaan si Jehova sa kaniyang bayan ng “kanlungan sa araw ng kapahamakan” sa pisikal at espirituwal.—Awit 27:5.