Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 4, 2017
NIGERIA

Matinding Pag-ulan sa Nigeria

Matinding Pag-ulan sa Nigeria

Bumuhos ang matinding ulan sa timog-kanluran ng Nigeria mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 12, 2017, na nagdulot ng pagbaha sa mga estado ng Lagos, Niger, at Oyo. Ayon sa mga balita, di-kukulangin sa 18 katao ang namatay.

Kinumpirma ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Nigeria na walang Saksi ni Jehova ang namatay o nasugatan dahil sa sakuna, bagaman apat ang lumikas. Bukod diyan, dalawang bahay ng Saksi ang napinsala at nasira naman ang isa. Tinutulungan ng mga Saksi sa Nigeria ang kanilang mga kapananampalataya pati na ang mga di-Saksi, na ang karamihan ay nagsilikas o nawalan ng bahay.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Nigeria: Paul Andrew, +234-7080-662-020