Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 23, 2018
NIGERIA

Nigeria—Binaha Dahil sa Malalakas na Pag-ulan

Nigeria—Binaha Dahil sa Malalakas na Pag-ulan

Dahil sa malalakas na pag-ulan, binaha ang Nigeria, lalo na sa mga rehiyon sa gitna at gawing timog ng bansa. Umapaw ang tubig sa pampang ng mga ilog ng Benue at Niger, ang pangunahing mga daluyan ng tubig ng bansa. Dahil diyan, libo-libong tao ang nagsilikas at mahigit 100 katao ang namatay.

Ayon sa naunang mga report, walang kapatid ang namatay o nasugatan. Pero dahil sa pagbaha, di-kukulangin sa 2,000 mamamahayag ang lumikas, at mahigit 1,000 sa mga ito ang nangangailangan ng tulong. Karamihan sa mga iyon ay tumuloy sa kapuwa nila mga Saksi na nasa ligtas na lugar.

Isang Disaster Relief Committee ang binuo para mangasiwa sa relief effort at magbigay ng espirituwal na pampatibay. Dalawang miyembro ng Komite ng Sangay sa Nigeria, kasama ang tagapangasiwa ng sirkito at mga brother na naglilingkod sa Service Department at Local Design/Construction Department, ang bumisita sa mga mamamahayag na nasa apektadong mga lugar para magbigay ng tulong.

Sa mahirap na panahong ito, ang ating Ama sa langit, si Jehova, ang ating patuloy na magiging “tanggulan.”—Awit 37:39.