Mahahalagang Pangyayari sa Palestinian Territories
ENERO 2014—Matapos ang paulit-ulit na pagtanggi, binigyan din ng gobyerno ng Palestine ang mga anak ng Saksi ng birth certificate
OKTUBRE 2, 2013—Ibinasura ng Mataas na Hukuman sa Ramallah ang petisyong kilalanin ng gobyerno ang mga Saksi
SETYEMBRE 20, 2010—Nagpasa ulit ang mga Saksi ng aplikasyon para kilalanin sila ng gobyerno; wala silang natanggap na sagot
AGOSTO 4, 1999—Nagpasa ang mga Saksi sa presidente ng Palestinian Authority ng kahilingang kilalanin sila ng gobyerno, pero hindi ito pinagbigyan
1967—Dalawang kongregasyon na nasa teritoryo noon ng Jordan ang naging parte ng West Bank sa Israel
1948—Dahil sa digmaan, ang unang dalawang kongregasyon ng Palestine ay napasama sa teritoryo ng Jordan
1920—Itinatag ang unang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Ramallah
1891—Bumisita sa Palestine si Charles T. Russell, ang unang presidente ng Watch Tower Society